OPD
By Dr. JB Besa
Tambak na papel sa mesa
Hindi alam saan magsisimula
Uunahin ba si lola na alas-kwatro pa nakapila?
O papakalmahin ang nag-aalborotong sikmura?
Alaala ng kagabi’y hindi pa umaalpas
May pagdanak, panaghoy, pagtangis
Paano naman tutugon sa iyak ng nasa harapan?
Gusto ko na matapos at umalis
Marahil kulang sa tulog
Kinapos din siguro ng tulong
JB Besa
Email: jvbesa@up.edu,ph
SHARE