PAALAM
By Dr. Bill Ramos
Paalamayoko mang sabihin, pero paalam
masakit man isipin, pero paalam
marami akong tanong, pero paalam
di ko maintindihan, pero paalam
kahapon lang OK ka
kahapon lang kasama kita
kahit napansin ko malungkot ka
inisip ko lang ganun talaga
bakit ganun bakit ngayon
bakit di ko man lang naramdaman
bakit di ka man lang nagpaalam
SHARE